Gumuhit ang sakit sa buong pagkatao ko. Tila pinipilas na naman nang paulit-ulit ang puso ko at dinudurog pa iyon nang pinung pino. Muli akong naglakas ng loob tingnan siya habang lumalandas ang mga luha ko."S-sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, wala akong pakialam. Pakawalan mo ako rito, hayop ka!" Buong lakas na sigaw ko sa kaniya at nagpumiglas sa ibabaw ng kama na iyon."T-tulong! Someone's here! Tulong!" Sigaw ko pa na sinundan lang ng halakhak ni Jaxon kaya lalo akong nawalan ng pag-asa."Kahit anong sigaw pa ang gawin mo, walang makakarinig sa 'yo rito. No one wants to hear your voice since then, Celeste, so if I were you, you should take a rest instead of wasting your energy," panunuya nito sa akin at tuluyan na akong nilapitan nang may ngisi sa labi kaya mabilis akong umatras."H-huwag na huwag kang lalapit sa akin! Nakakadiri ka!" Hiyaw ko sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin. Tuluyan na itong yumuko upang pantayan ako."You're more disgusting than me and yo
Última actualización : 2025-12-23 Leer más