Ang unang sinag ng araw ay masyadong mapayapa para sa dalawang taong halos hindi nakatulog. Nasa tabi ni Billie si Mariel, pisngi niya nakadikit sa dibdib ng lalaki, naririnig ang mabagal pero mabigat na pintig ng puso nito — parang may kinikimkim pa rin na unos.Pero kahit hindi sila lubusang naidlip, hindi iyon sleepless from fear. They were sleepless from holding each other.“Good morning, Mrs. Black,” bulong ni Billie, bahagyang hinahaplos ang likod niya.“Morning…” mahina niyang sagot, hindi gumagalaw, parang ayaw bumitaw sa init ng katawan nito.Pero sa likod ng mga mata nilang parehong may pagod, may tanong na hindi nila masabi: Babalik ba si Rafael ngayong araw? Ano ang susunod niyang galaw? Bakit niya gustong guluhin ang buhay nila ngayon?Billie kissed the top of her head. “You’re thinking too loudly.”“Hindi ko naman sinasadya,” sagot ni Mariel, inaayos ang sarili sa ilalim ng kumot. “Pero, Billie… hindi ko gusto ’yung ginawa niyang pagpaparamdam kagabi.”“Neither do I.”
Huling Na-update : 2025-11-11 Magbasa pa