Damien’s POV Nagkakape ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Maaga pa, mga alas siyete lang siguro. Wala pang ibang gising sa bahay, maliban sa mga kasambahay na nagluluto sa kusina. Nakatulala lang ako sa tasa ng kape ko, hindi ko alam kung ilang beses ko na ring napasinghot ng mainit na hangin, kaiisip kay Flora. Ang hirap niyang basahin. Minsan sweet siya, minsan naman parang gusto niyang lumayo sa akin. Parang lagi akong naglalakad sa manipis na linya sa pagitan ng “gusto kita” at “ayoko sa’yo.” Biglang bumukas ang gate. Pumasok si Conrad, nakangisi na parang wala siyang ginawang mali sa mundo. May dalang tinapay at dalawang bote ng kape. “Good morning, obsessed brother,” sabay upo niya sa tapat ko. “Uy, seryoso ka na naman diyan. Thinking about your dear stepsister again?” “Conrad, shut up,” malamig kong sagot habang inilapag ang tasa. “Relax, bro,” sabi niya, sabay abot ng isa pang kape sa akin. “Baka lang ma-dehydrate ka sa kakaisip kay Flora. Hanggan
Huling Na-update : 2025-10-28 Magbasa pa