Flora’s POV Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman kong may humahaplos sa braso ko. Pagmulat ko, nakita ko si Damien, nakangiti habang hawak si Coco, ang golden retriever naming aso. “Gising na, love. Tanghali na,” malambing niyang sabi. Medyo nanlalambot pa ang katawan ko, kaya dahan-dahan akong bumangon. “Anong oras na?” tanong ko sabay hilamos ng kamay sa mukha. “Almost twelve. Nagutom na si Coco, kaya ipapalabas ko muna siya. Sumunod ka na lang sa baba, ha? May niluto akong brunch para sa ating dalawa.” Napansin ko lang na hindi kami sa condo ko. Sa paligid, pamilyar ang mga larawan sa dingding, ang kulay ng kurtina, at ang amoy ng bahay na minsan ko lang napuntahan. “Wait…” napatingin ako sa kanya. “Nasa bahay mo tayo?” Tumango siya, sabay lapit. “Welcome to our home, my love.” Niyakap niya ako nang mahigpit, pinulupot ang mga braso sa baywang ko, at marahang hinalikan ang noo ko. “Dito natin palalakihin ng maayos ang anak natin.” Napaikot ako ng tingin. Da
Last Updated : 2025-11-07 Read more