Flora's POV Buong araw kong hindi nakita si Damien. Ni anino niya, wala. Kahit tanungin ko pa si Mama o si Conrad, parehong wala silang alam. Pero ako, hindi mapakali. Parang may kulang, parang may hinahanap ang sistema ko—at alam kong siya ‘yon. Kaya nang yayain ako ni Conrad na lumabas, pumayag ako. “May club daw dito sa Siquijor na sikat sa mga turista,” sabi niya. “Baka gusto mong sumama. Baka sakaling ma-refresh ka rin.” Nagdalawang-isip ako pero sa huli, sumama rin ako. Ayokong mabulok sa silid habang puro si Damien lang ang laman ng isip ko. Pagdating namin sa club, malakas ang tugtugan. May mga ilaw na nagkikislapan, amoy alak at sigarilyo sa paligid. “Welcome to paradise, Flora!” sigaw ni Conrad habang nagtatawanan kami. Ngunit hindi pa ako nakakaupo, biglang natigilan ang lahat ng tawa ko nang nahagip ng mga mata ko si Damien sa gitna ng dance floor. Naka-black shirt, pawis, lasing. At sa harap ng lahat may kahalikang babae. Hindi lang simpleng halik. Halos hubaran
Last Updated : 2025-10-30 Read more