Damien’s POV Habang inilalagay ko sa shopping cart ang mga pinapabili ni Flora, napapangiti ako. Lahat ng gusto niya kapag may dalaw, halos kabisado ko na. Mga tsokolate, sabaw, at kung anu-ano pang panuhog niya tuwing nagkaka-cravings. Kahit nakakahiya minsan sa cashier kapag puro tsokolate ang binibili ko, wala akong pakialam. Basta para kay Flora, gagawin ko. Binasa ko ulit ang listahan sa phone ko. “Chocolate bars, hot soup, spicy chips, yogurt…” Napailing ako. “Talagang may yogurt pa, ha,” mahina kong sabi habang naglalakad papunta sa refrigerated section. Pagkatapos kong magbayad, dumaan ako sa paborito niyang karinderya. Naaalala ko pa dati, dito kami madalas kumain bago kami lumipat sa mansion. Pinagkaguluhan ako ng mga tao nang pumasok ako, pero ngumiti lang ako sa tindera. “Ate, pakibalot po ng tatlong sabaw—’yung sinigang na baboy at tinolang manok, please,” sabi ko. Ngumiti si Ate Tess. “Para kay Ma’am Flora ulit, Sir?” Tumango ako. “Oo. Alam niyo naman, paborito niy
Huling Na-update : 2025-11-04 Magbasa pa