Damien’s POV Kapansin-pansin ang pag-iwas ni Flora sa akin. Ilang araw na rin mula nang huli kaming nagkausap ni Flora sa kwarto niya, at simula noon, iwas na iwas na siya sa akin. Kapag nakakasalubong ko siya sa hallway ng office, hindi man lang tumitingin. Kapag nagme-meeting kami, laging formal, laging may distansya. Para bang wala kaming pinagsamahan. Ayoko man aminin, mas lalo lang akong naiirita. Hindi dahil iniwasan niya ako, kundi dahil alam kong may nararamdaman din siya, pero pinipilit niyang itago. Kanina lang, tinawagan ako ng ina niyang si Maria. “Damien, can you pick up Flora from work later?” sabi niya. “Bakit po?” tanong ko. “Family dinner. Gusto kong kumpleto tayo. At alam mo naman ‘yang anak ko, baka kung saan pa magpunta ‘pag hindi sinundo.” Hindi ko matanggihan si Maria. Kahit pa alam kong magiging mahirap ‘tong sitwasyon, pumayag ako. “Okay po. Ako na bahala.” *** Pagdating ko sa opisina ni Flora, diretso agad akong sa engineering department. Pagpasok ko,
Last Updated : 2025-10-24 Read more