Stella’s POV Pinatulog namin ulit si Elijah. Nasa gitna siya ng kama, payapang humihinga, habang magkabilang yakap namin ni Randall ang anak namin—parang isang buo at tahimik na mundo. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag pinili mong maging masaya para sa pamilya mo. Parang ngayon lang, matapos ang napakaraming taon, ko tunay na naranasan ang ganitong uri ng kapayapaan—‘yong payapang walang takot, walang alinlangan. “I love you, Elijah. My son,” bulong ni Randall habang marahang hinahaplos ang ulo ng bata. “I’ll protect you and your Mommy. No one will hurt you.” Napangiti ako. Noon pa man, gano’n na si Randall—tahimik pero matatag, mapag-aruga, laging inuuna ang mga mahal niya. He’s selfless. And that’s why I love him. He’s the only man I loved… until now. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang sinisigurong naroon pa rin ako, na totoo ang sandaling ‘to. “I love you, Stella.” Hinawakan niya ang mukha ko at marahan akong hinalikan. Nang tuluyan nang mahimbing ang tulog ni Elija
Last Updated : 2026-01-15 Read more