Flora’s POV Malakas ang ulan sa labas. 'Yung tunog ng mga patak sa bubong, parang unti-unting sumasabay sa bigat ng dibdib ko. Nagsimula nang tumulo ang kisame ng apartment ko. Una, patak lang. Pero maya-maya, tuloy-tuloy na, hanggang sa bumagsak ang tubig sa gitna ng sala. “Ano ba ‘to…” mahina kong sabi habang pinupunasan ang sahig gamit ang basahan. Kumuha ako ng timba at planggana, inilagay ko sa ilalim ng tulo. Pero kahit anong gawin ko, parang dumadami pa. Lumapit ako sa cellphone ko at tinawagan ang landlady. Ilang beses kong pinindot ang tawag, pero puro unreachable. “Please, sagutin mo naman,” sabi ko sa sarili ko. “Basa na lahat dito…” Pagtingin ko sa paligid, halos lahat ng gamit ko basa na — pati kumot, unan, at ilang damit ng baby. Giniginaw ako. Suot ko lang ang maluwag na daster, at ang hangin na pumapasok sa sirang bintana, sobrang lamig. “Anak, sandali lang ha… Mommy will fix this,” bulong ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Kumuha ako ng tuwalya at nilatag sa sah
Last Updated : 2025-11-09 Read more