MAYABumalik ako sa Hagonoy kasama si Tina at Lea. Wala si Renzo. Tatlong araw ang lumipas. Mga panalangin. Bisita. Mga nakikiramay. Tatlong araw na ngumingiti sa kabila ng kalungkutan, habang nagsisilbi ng pagkain at tumatanggap ng simpatya. Wala pa rin si Renzo. “Maya,” tawag sa akin ni Tatay. Araw na ng libing. “Nasaan si Renzo? Hindi ko na siya nakita pagkatapos niyong lumuwas.”“May inaasikaso lang po, Tay,” pagsisinungaling ko. “May mga importanteng kailangang ayusin.”“Pero hindi na siya babalik? Libing na ni tita,” sabi naman ni Teo, malungkot ang mukha.“Hindi na,” sagot ko, dahil alam kong hindi na siya babalik. Either dahil sa guilt niya. O mas pinipili niya kasi ang pamilya niya.“Nagpadala naman siya. Sagot daw niya lahat,” dagdag ko para hindi na sila mag-alala.“Maya. may problema ba kayo ni Renzo?” tanong ni Tatay.Tatay ko nga talaga siya. Ang bilis makatunog. Ngumiti ako. “Okay lang kami, Tay. Na-busy lang talaga.”Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Pero
Huling Na-update : 2025-11-26 Magbasa pa