MAYA“Teo, iniingatan kita—”“Iniingatan saan?” taas niya ng boses. “Para maging inutil ako? Lagi mo na lang akong binabawalan, tapos ikaw lahat ng ginagawa! Tapos pag napapagod ka naman, ayaw mo kaming tumulong!”Hindi ako nakapagsalita.Hindi niya alam.Hindi niya alam na nagkulang ako noon.Hindi niya alam na dahil sa pagkukulang ko… natangay si Nanay ng tubig. Hindi niya alam kung gaano ko siya pinoprotektahan dahil ayokong maulit…“Maya.”Si Renzo. Nasa tabi ko na pala. “Pwede ka ba makausap?”Tumango ako at sumunod sa kanya palabas. Malamig ang hangin, maliwanag ang buwan, pero ang dibdib ko masikip pa rin.Hindi na siya nagpaikot-ikot.“Tama si Teo,” sabi niya.Napalingon ako. “Ha?”“Tama si Teo,” ulit niya. “Lagi mong sinusolo ang lahat. Pati yung hindi mo dapat akuin.”“Hindi sa gano’n—”“Gano’n yun,” sagot niya, hindi agresibo pero hindi rin lumalayo sa katotohanan. “At ngayon, hindi mo na kaya. Ayaw mo ring magpatulong.”“Nagpapatulong naman ako,” pilit kong sabi, kahit a
Terakhir Diperbarui : 2025-11-21 Baca selengkapnya