MAYASi Tina. Nagvi-videocall.Sinagot ko kasi hindi basta-basta din tumatawag si Tina nang sunud-sunod kung hindi importante. Sinubukan kong ayusin ang mukha ko. “Tina…”“Maya! Maya! Oh, my gosh! Si Papa R!”Napabalikwas ako. “Anong nangyari?!”Inaninag ko kung nasaan siya. Yung background niya, nasa kotse siya.Si Lea yung driver, focused sa kalsada.“Yung I* ko! Nakita ko siya nag-view ng profile ko!”Pinuno ng mukha ni Tina yung screen, kitang-kita yung nanlalaki niyang mata. “Maya, mukhang ini-i-stalk ako ni Papa R. Ibig sabihin, may chance na iniimbistigahan ka niya. Nahuli ka na ba? Alam na ba niya?”Nanikip ang dibdib ko. “Oo.”“Ha??”Napapreno si Lea sa pagda-drive at halos mauntog silang dalawa, kitang kita sa camera.“Ano ka ba naman, Lea. Maaksidente tayo niyan eh,” hampas ni Tina kay Lea.Nakisilip na din si Lea sa camera, pilit akong inaaninag sa liit ng screen ng phone.“Okay ka lang ba, Maya?”At doon ako napaiyak. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang pagbug
Last Updated : 2025-10-23 Read more