Nakalabas ako ng hospital habang si Sofia ay naiwan pa dahil hindi pa rin daw ito pwedeng ilabas. Si Benson na ang kasama kong umuwi ng penthouse dahil nang pumunta si Benson sa hospital para bisitahin ako nagpaalam naman na si Asher para umalis.Hindi na siya nagmessage o tumawag sa akin. Alam niyang ngayon ang discharge ko pero hindi niya na ako sinamahan na makalabas. Ito naman ang gusto ko, ang layuan niya na muna ako pero ewan ko ba. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naninibago ako sa ginagawa niya, sa ikinikilos niya at kung paano niya ako kausapin at tingnan.Namimiss ko yung pangungulit niya. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Pati ako ay naguguluhan. Gusto kong layuan niya na muna ako pansamantala habang hindi ko pa natatapos ang mga plano ko pero ngayon namang hindi na siya nagpapakita sa akin ng pakialam, ako naman itong hinahanap ang presensya niya
Dernière mise à jour : 2025-12-26 Read More