Napatingin ako sa oras, nang maglunch break na ay lumabas na ako ng office ko. Sa cafeteria na ako dumiretso dahil alam kong dun lang kumakain si Gabriel. Diretso lang akong nakatingin pero nagmamasid na ang mga mata ko ng hindi ito gumagalaw. Kailangan kong makita si Gabriel.Siya naman talaga ang target ko dito kung bakit ako pumasok bilang designer. I want them to taste their own medicine. Gusto kong maranasan din nila kung paanong mabaliw sa kakaisip.Nang makita ko na sa peripheral view ko si Gabriel ay kunwaring natipalok ako.“Aahh,” mahina kong usal. Katulad ng inaasahan ko, mabilis siyang lumapit sa akin. Palihim akong napangisi.“Okay ka lang?” nag-aalala niyang tanong. “Maupo ka muna dito sa balikat ko.” Ani ni Gabriel. Ginawa ko naman ang gusto niya. Maraming nakakakita sa amin pero napapangiti lang sila.Tiningnan ni Gabriel ang paa ko at bahagyang ginalaw yun.“Ouch, that’s hurt.” Pagdadrama ko sa kaniya.“I’m sorry, idadala na kita sa clinic para matingin ang paa mo.” A
Dernière mise à jour : 2025-12-18 Read More