Hindi na ako nakasagot at iniwas na ang paningin ko sa kaniya. Malakas na naman ang kabog ng puso ko. Yung epekto ng alak, bigla na lang nawala. Yun ba talaga ang nangyari?“Sabihin man nating yun nga ang nangyari, bakit kapag nagsasalubong ang mga landas natin parang hindi mo ako nakikita?” Kalmado ko ng wika sa kaniya.“Ano ba talagang gusto mong gawin ko? Naguguluhan na rin ako. Nakiusap ka sa akin na huwag kang pakialamanan sa paghihiganti mo. Noong nakita ko kayong dalawa ni Gabriel, sinadya kong hindi ka tingnan dahil yun naman ang gusto mo diba? Nilampasan kita, hindi kita nilingon kahit na gusto kong pigilan ka. Kahit na gusto kong hilain ka na palayo sa kaniya. Noong nagkita na naman tayo sa restaurant, nginitian kita pero hindi naman pala ako ang kinakawayan at nginingitian mo. Naghihintay lang ako, Claire. Hinihintay ko lang na ako naman ang priority mo
Last Updated : 2026-01-03 Read more