Mabilis na pinatakbo ni Asher ang sasakyan niya habang si Rolan ang nasa passenger seat. Nag-aalala si Asher na baka puntahan ng ama ni Rosie si Claire.“Sumagot na ba?” kinakabahan na tanong ni Asher kay Rolan.“Hindi pa,” sinusubukang tawagan ni Rolan si Claire pero hindi ito sumasagot.Samantala naman, naiwan ni Claire ang cellphone niya sa office niya. Lumabas siya ng office niya dahil lunch break. Kinuha niya si Sofia dahil kakain sila sa labas. Kampante naman si Claire dahil may mga bodyguard siya.Buhat-buhat ni Claire si Sofia. Masaya silang nag-uusap habang naglalakad sa lobby. May nakasunod namang bantay kay Claire kaya imposible pang may makatakas para saktan siya.“What do you want to eat, baby?” tanong ni Claire kay Sofia.“tato,” sagot nito. Naintindihan naman ni Claire dahil potato ang ibig sabihin nito. Paborito ni Sofia ang mashed potato lalo na kapag may cheese ito.“Okay, ibibilhan ka ni Tatta ng potato. Do you like that?”“Hmm?” excited na sagot ni Sofia. Limang bo
最終更新日 : 2026-02-22 続きを読む