“Gabriel, kung ano man yung binabalak mo parang awa mo na, huwag mong ituloy. Hayaan mo na lang sanang maging masaya ako. Ibinigay ko sayo noon ang gusto mo. Masakit man sa akin na pirmahan ang divorce paper na ibinigay mo, ginawa ko dahil alam kong mas magiging masaya ka. Ibalik mo na lang ako sa office ko, kakalimutan kong nangyari ito.” Kalmado niyang wika.Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Gabriel sa manubela niya. Nakahanda na ang islang pagdadalhan niya kay Claire. Pinagplanuhan niya talaga ang pagkidnap kay Claire. Ilalayo niya na lang si Claire at silang dalawa ang bubuo ng pamilya nila.“Gabriel, please listen to me. Alam kong mahal mo si Mia at si Sofia. Pakawalan mo na ako, hayaan mo na akong maging masaya. Iregalo mo na lang sa akin ‘to, please. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga naramdaman ko noon. Iniwan mo ako, nawala sa akin ang anak natin. Ngayon na lang ako sumaya ulit, ngayon na lang ako magmamahal ulit kaya parang awa mo na, hayaan mo namang ako ang maging m
Última atualização : 2026-02-27 Ler mais