"Tuloy po kayo," pagtanggap ng mga bisita nina ate Martha, ate Susan at Ate Lora na nakaabang na nga sa pinto ng bahay. "Wow, ang ganda at laki ng bahay niyo, Ivana." "Salamat. Tuloy kayo," aya ko na ulit sa kanila at niluwangan ang pinto para sa kanila. May hallway naman sa bahay kaya doon kami nagtungo kung saan nakahanda na ang mga pagkain para sa amin. "Congrats ulit, Ivana." halos sabay sabay nilang pagbati sa akin. "Salamat ulit, sige na. Kain na. Hindi kayo makakauwi kapag hindi natin ito naubos lahat," pagbibiro ko naman sa kanila. "Mag uuwi na lang kami kapag hindi naubos," "Oo naman," sagot ko. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang bahaging iyon ng bahay. "Bakit hindi ka kumain?" tanong ni Cedric ng lumapit ito sa akin. "Hindi pa naman ako nagugutom, saka tumitikim naman ako paunti unti," sagot ko sa kanya. "Hmm," hindi naman ito palaimik kaya nakakapagtaka na kusa siyang lumapit sa akin na walang pagtulak sa kanya ng mga kaibigan niya. May kakaiba sa kinikilos niya.
Last Updated : 2025-11-28 Read more