Nakatitig siya sa akin.Nakayuko naman akong nakatayo sa harap ng kanyang working table."Hindi ako nagkamali, bagay na bagay sayo ang mga damit na binili ko noon," narinig kong sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.Matapos ang kaguluhan kanina dahil sa pagwawala ni Manager Lacson ay hinila niya ako pabalik ng kanyang opisina.Inalok niya akong maupo pero parang mas marerelax ako kapag nakatayo ako."Ang mga damit na iyon, s-sa cabinet mo. H-hiniram ko, hindi naman siguro magagalit ang girlfriend mo, mr. Gray?" sabi ko kahit na malinaw naman sa pandinig ko na binili niya iyon noon.Para kanino? Para ba sa akin noon?Gusto ko lang marinig iyon mismo sa bibig niya na para sa akin nga ang mga damit na iyon. At kapag sinabi niyang para sa akin nga iyon ay bubuksan ko ang paksa tungkol kay Vladimir at kung paano nangyari iyon."Ehem!" napatikhim ko sa naisip. Kailangan pa bang sagutin kung paano nangyari iyon, syempre may nangyari sa amin kaya nabuo si Vladimir."Why? Inuubo ka
Terakhir Diperbarui : 2025-12-05 Baca selengkapnya