Sa Navarro mansion, malakas ang tunog ng heels ni Margaux habang pababa siya ng hagdanan, may hawak na tablet. Sa dining area, abala si Margarita sa pag-aayos ng kanyang mga dokumento, habang may hawak na kape. “Mom!” sigaw ni Margaux, halos hindi maitago ang ngiti. “You won’t believe this. Look.” Inilapag niya ang tablet sa mesa, at agad lumitaw ang ilang larawan—mga kuha ni Celestine at ng isang lalaking naka-black suit, sa labas ng café kagabi. Malabo, pero halatang intimate: nakatayo silang magkalapit, at may kuha pa na parang hinawakan ng lalaki ang kamay ni Celestine. Napataas ang kilay ni Margarita. “Saan galing ‘yan?” “From the guy I hired. Remember, the one watching her apartment? He said she met a man last night, expensive car, bodyguard vibes, pero hindi raw siya sure kung ‘yun ‘yung sinasabi nilang ‘husband’ niya.” Kumunot ang noo ni Margarita. “Bodyguard vibes? Hmph. So hindi nga businessman, gaya ng sabi ko.” Ngumisi si Margaux at umupo sa tapat ng ina, sabay
Terakhir Diperbarui : 2025-11-04 Baca selengkapnya