Kinabukasan, maagang nagkita sina Margarita at Margaux sa malaki nilang dining area. Parang laging may meeting ng tsismis sa bahay tuwing umaga. Habang nagkakape, parehong nakasandal at nakataas ang kilay — naghihintay ng “balita” mula sa kanilang pinabayarang stalker. Pagpasok ng lalaki, mukhang puyat at pawis pa. Halatang sumunod talaga kay Calestine kagabi. “Ma’am, may nakita po akong kasama niya kagabi.” Agad nagliwanag ang mga mata ni Margarita. “Kasama? Anong klaseng kasama?” “Teka lang,” singit ni Margaux, sabay kindat. “Baka boyfriend niya ‘yan! Oh my God, Ma, baka kaya palaging blooming si Calestine, ha?” Umupo ang stalker, nanginginig pa habang kinukwento. “Hindi ko po masyadong nakita ‘yung mukha, madilim po kasi. Pero lalaki po — matangkad, medyo maskulado. Hindi mukhang mayaman, Ma’am, simpleng bihis lang.” Napataas ang kilay ni Margarita. “Simple? Aba, kung simpleng lalaki lang ‘yan, siguradong galing sa kanto lang! Wala ngang taste ang batang ‘yon. Sinayang ang l
Last Updated : 2025-11-13 Read more