Mabagal ang pag-usad ng oras sa opisina nang araw na iyon. Hindi dahil kulang sa gawain—kabaligtaran. Punong-puno ang schedule ni Adrian, at bilang secretary niya, halos walang pahinga si Calestine. Sunod-sunod ang documents, emails, at internal reports na kailangang ayusin. Pero sa kabila ng pagod na unti-unting bumibigat sa balikat niya, may kakaibang linaw ang isip niya ngayon. Mas kontrolado. Mas matatag. Mas… sanay. Tahimik siyang nakaupo sa desk niya, mabilis ngunit pulido ang galaw ng mga daliri niya sa keyboard. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang tablet kung saan nakaayos ang schedule ni Adrian—walang mintis, walang kalituhan. Pero sa bawat ilang minuto— Ramdam niya ang tingin. Hindi niya kailangang tumingin para malaman kung saan nanggagaling. Mula sa loob ng glass office. Mula kay Adrian. Huminga siya nang mabagal, pilit binabalewala ang init na gumagapang sa batok niya. Focus. Kailangan niyang mag-focus. Pero sa kabilang side ng salamin, nakatayo si Adr
Last Updated : 2026-02-28 Read more