Nang marinig iyon, mahigpit na hinawakan ni Zandri ang manggas ni Kaizan, ang kanyang mga matang mamasa-masa ay puno ng kawalang-malay at awa habang nakatingin sa kanya. Kinagat-kagat ni Zandri ang ibabang labi dahil sa kaba habang dahan-dahang umiiling, tanda na ayaw niyang umalis ang lalakiNakaramdam si Kaizan ng kirot sa dibdib. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mapulang labi ni Zandri, “Huwag mo ng kagatin, baka masaktan ka,” malambing na saad sa kaniya ni Kaizan.Dahan-dahang bumuka ang mga labi ni Zandri, may luha sa mga mata. “No… please don’t go,” bulong at garalgal na agad na saad nito.Pumikit si Inara, pinipilit pigilan ang mga luha, at sa bahagyang humahapong tinig ay nagsalita, “Kaizan, I came to talk to you about our engagement.”Biglang kumislap ang mga mata ni Kaizan. Tiningnan niya si Zandri, ang kanyang mahina at walang kalaban-laban na anyo, at dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo para aliwin, “Zandri, I’ll just say a few words to her. I’ll be back soon.”Mas mahig
Última actualización : 2025-12-08 Leer más