Reece’s POV “Reece, it’s been a while since the last time you visited home,” sabi ni Mommy sa kabilang linya. May lambing ang boses niya, pero halatang may tampo. Retired detective ang mommy ko. Ang daddy ko naman, isang retiradong general surgeon. Pareho silang sanay magbasa ng tao—kaya alam kong ramdam nila ang paglayo ko. “Mula nang namatay si Eve, hindi ka na umuuwi,” dagdag ni Daddy. “I’m busy, Mom. Don’t worry. Uuwi ako bukas,” sagot ko, sabay sulyap kay Heaven na mahimbing na natutulog sa tabi ko. “Birthday mo naman.” “Sophia will be there too,” sabi ni Mommy. “It’s time to move forward, son.” Napabuntong-hininga ako. “Mom, let’s not talk about Sophia. I’m not interested in her.” Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “Okay. Pero please, tumawag ka kapag siguradong pupunta ka bukas. Nagtatampo na kami ng Daddy mo. Kahit mga kapatid mo, hindi ka rin mahagilap. You’re our eldest son. Miss ka na namin.” Hindi ko na pinahaba pa. Binaba ko ang tawag bago pa ako madala
Last Updated : 2025-12-26 Read more