Marga’s POV Pagkatapos ng honeymoon namin ni Oliver, tuluyan na siyang bumalik sa mundo niya bilang general surgeon. Halos araw-araw ay nasa ospital siya. Ako naman, buong oras kong inilalaan kay Reece. Isang taon pa lang siya pero parang may sariling motor ang katawan niya. Kapag umaga, gigising siyang umiiyak. Kapag tanghali, gusto niyang gumapang kung saan-saan. Kapag gabi, ayaw matulog kung hindi ko kinakantahan. “Mommy, ba-ba,” bulol niyang tawag habang hinihila ang damit ko. “Sandali lang, anak. Mommy’s here,” sagot ko habang binubuhat siya. Tahimik na ang buhay namin ngayon. Wala na ang mga bulung-bulungan. Wala na ang mga matang mapanlait. Mas pinili kong isara ang mundo ko at ituon ang lahat sa pamilya ko. Mas simple, mas payapa. Ngayong araw ang birthday ni Oliver. Kahit pagod siya sa duty, nagkasundo kami na kakain kami sa labas mamaya. Kaya dinala ko si Reece sa ospital para sunduin siya. “Daddy,” masayang sabi ni Reece nang makita ang gusali ng ospital. “Oo, kay Dad
Last Updated : 2025-12-21 Read more