A month passed. Laging ganon ang daloy ng buhay ko. Sa weekdays ay cashier ako sa café, sa weekends naman ay nagbebenta ako ng sigarilyo, and then naglilinis sa penthouse ni Mr. Axton sa Sunday. Sa awa rin ng langit, hindi na kami ulit nagkasalubong pa ng landas tuwing naglilinis ako sa penthouse niya.Paano ba naman kasi, mas madalas ko pa siyang makita sa bar kaysa sa penthouse, e. At tulad ni Ethan, naging suki ko na rin siya. Hindi ito umiimik sa tuwing nagkakatagpo kami, pero minsan ay nagsasalita ito para sabihin ang kanyang gustong bilhin. But most of the time, Silver ang binibili niya palagi.“Kamusta ang pakiramdam ko?” nakangiti kong bungad sa kapatid kong kakababa pa lang mula sa kwarto nito.“Ayos lang po, Ate. Medyo sumakit ang likod ko sa sahig,” mahinang reklamo nito.Nasira na kasi ang kama sa silid namin kaya sa sahig na kami nakahiga ngayon.Hindi ko maiwasang mapangit ng mapait.“H’wag kang mag-alala. Kapag naging sapat na ang ipon ko para maka-paid in advance tayo s
Last Updated : 2026-01-05 Read more