The past few weeks have been hell to me.Kahit na ayaw ni Mrs. Veloso sa akin, nagagawa niya pa rin akong pakisamahan. Kahit na mahirap akong turuan, mahaba pa rin ang pasensya niya.Tinuruan niya ako kung paano mag-ayos ng mga minutes sa tuwing meetings. Sinasama niya sa ako sa mga meetings niya na siya lang ang dumadalo dahil busy raw si Sir Axton ngayon. Well, kaya siguro hindi ko na siya nakikita dito sa office, pati na rin si Sir Oli.Sa narinig ko, na sa isang business trip sila sa labas ng bansa.Nagising ako mula sa aking pagmomonologo nang biglang mag-ring ang aking phone. Walang pagdadalawang isip ko itong sinagot.“Good morning, thank you for calling Ax-Global, this is Asli speaking. How may I help you?”Scripted na greeting ‘yan.Bukod sa kung paano gumawa ng notes, tinuruan niya rin ako kung paano sumagot ng tawag, bumati sa mga guests na dumarating sa floor na ito, mag-schedule at update sa calendar, at iba pa.Sabi ko nga, feeling ko pinaparusahan ako nitong mga nakaraa
Read more