Guess what?“Dito mo na lang ilagay ang bagahe mo, Asli!” Kumaway sa ‘kin si Mateo. “Hali ka na! Aalis na ang van!”Limang van ang gagamitin namin patungong Batangas. Nauna nang umalis ang apat at itong isa na lang ang natira. Kasama si Mrs. Veloso sa naunang apat na umalis dahil ito ang naging event coordinator ng team building at ito dapat ang mauna sa location.At dahil isa na lang ang naiwang van at marami na ang na sa loob, medyo nagdalawang isip akong pumasok.“Hindi ba’t masyado nang puno?” nag-aalala kong tanong nang makalapit sa ‘kin si Mateo.“Hindi naman. Kasya pa ‘yan. Hindi kasi namin alam na may tatlo pang sasama. Pero pwede ka naman kumandong sa ‘kin,” wika niya at kumindat.Ilang beses ko na ba nabasa ‘yan sa mga nobela?Ah, hindi ko na mabilang.Sa halip na makaramdam ng hiya sa sinasabi nito, natawa na lang ako. “Masyado akong mabigat para makandong mo, Mateo.”Medyo komportable na rin kasi ako kay Mateo, e. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho rito sa kompanya, siya lang
Read more