Lahat sila ay nakatingin sa ‘kin at naghihintay kung ano ang sasabihin ko. Kitang-kita ko rin ang excitement sa mga mata nina Paula at Sabby sa kung ano man ang ikukwento ko tungkol sa kanila.Pinilit ko ang aking sariling ngumiti at agad na nag-isip ng kung anong pwede kong sabihin para sa two truths, one lie na ito. Sa mukha nila, parang nag-e-expect sila ng kung anong interesting mula sa ‘kin. Kaya naman pinilit ko ang sariling mag-isip ng pwede kong sabihin.“Uhm…two truths, one lie.” Tumikhim muna ako at wala sa sariling napahawak sa ‘king shoulder bag para kumuha roon ng lakas. “I didn’t finish college. I have a boyfriend. I love cake.”Parang two lies, one truth na ‘yon ah? Hindi ko bet ang cake, at wala akong boyfriend.Safe na siguro kung ipapalabas ko na ang lie na ‘yon ay ang pagkakaroon ko ng boyfriend. And by this time, alam kong mahuhulaan kaagad nila kung alin doon ang kasinungalingan. At kung sakali, dalawang shot ang iinumin ko dahil mahuhulaan nila ang kasinungalingan
Read more