Sa loob ng drawer, may nahanap kaming isang maliit na brass key at isang sketch ng isang globe. Sa ilalim ng sketch, may nakasulat na note.‘In sales, timing is everything. But in navigation, it's all about the angle.’“Feeling ko si Mrs. Veloso ang nag-set ng mga clue na ‘to. Bakit puro business? Nakakainis ha,” wika ng isang babae.“Shh!” Siniko naman siya ng isa at pasimpleng tinuro si Sir A.Suminghap ito nang mapagtantong nandoon pala si Sir. “S-sorry po, President, Assistant Rocero.”Hindi umimik ang dalawa, kaya hindi na lang din ako umimik.Nanatili ang aking tingin sa loob ng drawer kung saan napapalibutan namin ngayon. Kahit na hindi ko diretsong tignan, pansin ko ang simpleng paglalapit ni Eva kay Sir Oli. Panay ang paglalagay ng buhok sa likod ng tenga at sinusulyapan si Sir, habang si Sir naman ay nakatingin lang din sa loob ng drawer.“Did you solve the first clue?” tanong ni Sir Oli.“Opo,” sagot naman ni Mateo. “Tatlong clue lang po ang meron para makalabas ng room. N
Magbasa pa