“Ayaw mo na ba sa ‘kin? Tuluyan na bang matitigil ang meron tayo? Fvck, hindi pa nga nagiging tayo pero talo na ako.” Sunod-sunod niyang sabi kaya naman hindi ako makasingit. “Huwag mo akong iwan, please…”Hindi ko naman aakalaing ganito ang magiging reaksyon niya. May pagkapraning din pala itong uncle ko, o baka dala na rin ng katandaan niya kaya ganito siya umasta.Bumaba ako sa higaan at tumayo sa harap niya. Nanatili siyang nakaluhod at parang nagmamakaawa kaya pinitik ko ang kaniyang noo para umangat ang kaniyang paningin. “Sira! Bakit kasi hindi mo muna ako patapusin,” pangtataray ko sa kaniya. Mukhang naguguluhan pa rin siya. “Ayoko marinig ang sunod mong sasabihin, Eloisa. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya mas mabuti pang hindi ko marinig ‘yan.” “Kahit pa sabihin kong—”“Kahit ano pa ‘yan.” Putol niya sa ‘kin. Takot na takot sa boses ko, kulang na lang ay takpan niya ng kaniyang mga kamay ang dalawa niyang tainga o kaya ang mismong bibig ko na. Nakakainis naman siya! G
Last Updated : 2025-12-26 Read more