Nagising na lang ako dahil sa mahinang pagtapik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang uncle ko.Balak ko pa sana pumikit ulit kaso bigla kong naalala na may pasok pa pala ako. “Hala, late na ba ako?” Napabalikwas ako at nang tignan ko ang cellphone ko, alas nuebe na ng umaga. Ibig sabihin, dalawang oras na akong late sa klase ko.Tinawanan lang ako ni Easton habang pinapanood ako. “Anong nakakatawa? Akala ko ba never be late?!” Tinuro niya ang bintana at doon ko napansin na malakas pala ang ulan. “Classes are suspended. Hindi na kita ginising kasi malamang may hang over ka.”Mabuti naman kung gano’n. Ang hirap kasi sa college ay kung umabsent ka ng ilang oras, may chance na bumagsak ka dahil sa absences. Kaya naman bayaran nila Papa ang violation kong ‘yon kung sakali pero alam kong hindi ito magiging effective ngayon dahil professor ko si Easton. Hindi ito papayag na papasa ako dahil lang sa pera.Hawak-hawak ko ang ulo ko dahil medyo nahihilo pa
Zuletzt aktualisiert : 2025-12-09 Mehr lesen