Ipipihit ko na sana ang doorknob ngunit may isang kamay ang pumigil sa ‘kin.Isang cleaning personnel na lalaki, na may katandaan na, ang pumigil sa ‘kin na mukhang nandito para maglinis. “Ineng, bawal ang estudyante riyan.” Naglaho lahat ng kaba ko sa katawan sa isang iglap at lumakad palayo para hindi marinig nila Drake ang aking boses. “Gano’n po ba? May narinig po kasi akong kaluskos mula sa loob kaya titignan ko lang po sana.”“Hay naku! Mga daga lang ‘yon. Hindi ko kasi mahuli-huli at ang liliksi!” Reklamo niya. “Oh siya, pumasok ka na sa klase mo, Ineng at baka ma-late ka pa.”Tumango ako kahit ayaw ko pang umalis. Mabibigat ang hakbang ko habang papalayo sa pinto. Sobrang bad timing naman ni Kuya! ‘Di bale, at least may ideya na ako kung anong pinagmumulan ng problema ni Drake.Ang echoserang froglet na Professor Briar.Kung totoo mang may kasalanan sila sa ‘kin, naniniwala akong biktima lang din si Drake. Ngunit, wala akong maisip na rason kung bakit kailangan pang pakisamah
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-18 อ่านเพิ่มเติม