Raya’s POV“Raya, mabuti naman at gising ka na!” Nagmamadaling lumapit si Laura sa akin nang mapansin niya ako.“L-Laura, anong ginagawa mo rito?” Nagtataka kong tanong at tumingin sa paligid, doon ko lang din napagtanto na nakahiga rin ako sa hospital bed.Huminga ng malalim si Laura at tinignan ako sa mukha ng may pag-aalala. “Tinawagan kita kagabi para kumustahin at hindi ikaw ang sumagot kundi isang lalaki, ang sabi niya ay andito ka raw sa hospital at nawalan ng malay. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yong masama, Raya,” puno ng pag-aalalang saad niyang sagot sa akin.Para naman akong napukpok sa ulo at pinaalala kung bakit ako nandito sa hospital, kahit nahihilo pa at mabilis akong napaupo. “L-Laura, si mama—”Gumuhit din ang lungkot sa mukha niya at mabilis akong hinila para sa isang mahigpit na yakap. “Magiging maayos din ang lahat, Raya. Andito ako, hindi ka nag-iisa. Sasamahan kita, h’wag kang mag-alala,” paulit-ulit niyang sabi habang hinahaplos ang likuran ko.Umiling
Read more