Cristine’s POV Kahit saan, basta kasama ko sa iisang lugar si Raya ay para niya akong anino. Kahit anong gawin ko, lagi akong natatakpan ng pangalan niya. Kahit pareho lang naman kami ng ginagawa, mas madalas mapuri pang pangalan niya. Kahit anong gawin niya, kuhang-kuha niya ang atensyon ng lahat. Simpleng galaw, nakakatanggap agad ng puri. Laging napaparamdam sa akin na kulang pa ang ginagawa ko, may kulang pa sa akin at hinding-hindi ko siya mapapantayan kahit saang bagay. Anong mayroon siya na wala ako, kung tutuusin ay pareho lang naman kami ng ginagawa. Isa pa, bakit sa dami-rami ng lalaki, isang mayaman din ang ex-boyfriend niya? Kahit walang magsabi, pansin ko rin kung paano siya bigyan ng prebelehiyo ni Mr. Venile. Hindi sa gusto ko siyang laitin pero mas marunong akong mag-ayos sa kaniya, kahit sa pagpili ng mga damit na babagay sa akin ay marunong ako. Kung magkakaroon lang ng dahilan para mawala ang paghanga nila sa kaniya, sisiguraduhin kong hindi ko papalagpasin a
続きを読む