Raya’s POV “Ah, Greg…” Nahihiya kong tawag sa kaniya ng salubungin niya ako sa labas ng office ni Lysander, napatingin ako sa loob at tanaw ko mula sa salamin na abalang-abala siya sa ginagawa sa harapan ng computer, mas mainam siguro kung hindi ko muna siya abalahin ngayon tungkol sa usapan na sinasabi niya. “Ma’am Raya,” nakangiti niyang bati sa akin at tinignan ang folder na hawak ko kaya naman inilahad ko sa kaniya ‘yon. “Ito na pala ang notes tungkol sa meeting kahapon, naisulat at natranslate ko na rin ang mga kailangan diyan. Pakibigay naman ito kay Mr. Venile,” saad ko sa kaniya pero hindi niya ‘yon tinanggap, sa halip at saglit na lumingon sa loob ng office at tumikhim. “Ma’am Raya, mas maganda siguro kung ikaw na mismo ang magabot sa kaniya n’yan. Isa pa, hinihintay ka rin niya sa loob kaya tamang-tama lang na may dahilan ka para makipagkita sa kaniya,” sambit niya at mas lumawak ang ngiti sa labi, at kahit hindi niya sabihin ay alam kong may laman ang ibig niyang sabihi
Read more