Raya’s POVNaalimpungatan ako sa tunog ng pagbukas ng pintuan at marahan na presensya na naupo sa tabi ko, unti-unti kong minulat ang mata ko kahit sobrang bigat nito at medyo mahapdi dala ng labis na pag-iyak ko kanina.“Raya, apo,” salubong sa akin ni Lola Telma. Malungkot siyang tumingin sa akin at hinaplos ang pisngi ko nang marahan. Ramdam ko ang init ng kamay niya. Parang may kung anong humaplos sa aking dibdib, kahit ayaw ko ay kusang nangilid ang luha sa aking mga mata.“Lola…” Tawag ko sa kaniya, kahit ayaw ko ay animo’y nagsusumbong ang tono ng boses ko habang tawag ko siya.“It’s okay, darling. Andito ako,” marahan niyang sabi at muling hinaplos ang pisngi ko. “Andito kami nila Lysander, pamilya mo rin kami. Mahal ka namin,” malambing niyang paalala.Na kahit hindi niya diretsong sabihin ay alam kong gusto niyang ipaalala na hindi ako nag-iisa, na may pamilya pa rin ako na kasama kahit nawala si mama.“Ayos lang na umiyak, apo. Ilabas mo lang ang sakit na nararamdaman mo, s
Read more