Lysander’s POV“Congratulations, kuyaaa!” Tuwang-tuwa na bati sa akin ni Lucian ay niyakap ako pagpasok ko pa lang sa venue pagkatapos ng kasal, pinagpagan pa niya ang wedding suits ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Naks, pogi ah! Ibang-iba ang ngiti, porket kasal na sa harap ng altar.”“Maraming camera sa paligid, hindi ka man lang mahiya e kilalang-kilala ka sa entertaining world,” sambit ko sa kaniya at ginulo ang buhok niya.Natawa naman si Felicity at napailing na lang sa amin.“Pareho kayong mahiya, maraming camera ang nakatutok sa atin. Lalo ka na, Lysander. Naghihintay na sa’yo si Raya sa harapan, samahan mo na siya doon,” sambit niya at ngumuso sa harapan kung nasaan si Raya na kinakausap nila mama.Mabilis akong tumango at nagpaalam sa kanila, nanatili ang tingin ko kay Raya habang marahan na humahakbang palapit sa kanila. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang, may mga bumabati ngunit tanging tango lang ang naibibigay ko sa kagustuhan na makatayo agad sa tabi ni
Leer más