Nagpalipas pa kami ng magdamag sa hospital at kahit bumaba na rin ang lagnat ni Ethan ay hindi namin siya parehong iniwan ni Eliana.“Take a nap first, babe, ako na ang magbabantay kay Ethan,” ani ko kay Eliana nang mapansin na nilalabanan nito ang antok habang nakaupo sa upuan katabi ng kama ng aming anak. Hawak-hawak din niya ang kamay nito na tila ba sa pamamagitan noon ay nais niyang iparamdam sa bata na hindi niya ito iiwan.“Okay lang ako, babantayan ko lang si Ethan, baka kasi magising siya tapos hindi niya ako makita eh, baka umiyak uli siya,” sabi pa niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa aming anak.Marahan naman akong lumapit sa kanyang pwesto at pilit siyang pinaharap sa akin.“The couch is just there, Eliana. Hindi mo naman kailangan na umalis sa silid na ito para magpahinga. Take a nap there and I will watch Ethan. Gigisingin na lang kita pag nagising na siya,” madiing sabi ko pa sa kanya habang inaalalayan siyang tumayo.“Pero Theo---”“No buts, bae, please!” putol
Read more