Elijah Theodore Martinez"Daddy… Shhhh… Magigising si Mama," mahinang bulong ni Emma habang naglalakad kami paakyat sa aming silid. Bitbit niya ang isang teddy bear na halos kalahati ng kanyang katawan ang laki habang si Ethan naman ay hawak ang isang bungkos ng bulaklak na ibibigay namin kay Eliana. Dala ko naman ang breakfast na inihanda naming mag-ama kanina para sa surprise breakfast on bed namin para sa kanilang ina.“You’re the one who’s noisy Emma, it’s not Daddy,” kunot-noong sabi naman ni Ethan sa kanyang kapatid dahil sa patuloy ang mahihinang hagikhik ni Emma habang umaakyat kami ng hagdan.Natahimik naman bigla ang aking prinsesa dahil sa sinabi ng kanyang kapatid at bahagya pang napalabi bago muling tumingin sa akin.“Daddy, oh… Kuya Ethan is fighting on me,” nagpapaawa pa nitong sabi na lihim ko na lang na ikinatawa.“I’m not fighting on you. I’m just telling you to be quiet. You’re too noisy, mommy will probably wake up because of you. Wala nang surprise pag nag-wake up
Read more