“No, no, no… Don’t say that, Eliana. Ethan is yours, anak natin siya. I know I was wrong and I promise I will fix everything as soon as possible, just don’t say such things,” mahinahon kong sabi pa sa kanya habang inaalis ang ilang butil ng luhang hindi na rin niya napigilan pang kumawala sa kanyang mga mata.Isang pilit na ngiti naman ang kanyang ibinigay sa akin bago lakas-loob na sinalubong ang aking tingin. “It’s okay. Naiintindihan ko naman,” wika pa niya bago bahagyang lumayo sa akin at bumalik sa kanyang kama at naupo roon. “That night when you pushed me away, I realized at that moment my position in your life, sa buhay ninyo ni Ethan. Narealize ko na kahit anong gawin ko, hindi talaga siya magiging akin. Siguro ito yung karma ko kasi hindi pa man siya nabubuo, ibinenta ko na siya sa iyo,” malungkot at lumuluhang patuloy pa niya.Mabilis naman ang aking naging pagkilos at agad na lumapit sa kanyang pwesto. “Don’t say that, Eliana, please! It’s all my fault, okay. Ako ang lumapi
Read more