Eliana Grace Herrera Halos pigilin ko na ang aking paghinga sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Theo. Mabuti na lang at nandito si Roa, dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko.“Mommy, sarap ng sinigang mo, love ko na ‘to,” masayang sabi ni Ethan habang humihigop ng sabaw ng sinigang na aming ulam ngayon. Aminado akong nahirapan ako noong una na pakainin siya dahil na rin sa talagang medyo mapili siya sa pagkain noong una. Ngunit nang makita niya at makasama si Emma, ay tila ba nagbago ito, dahil kung anong kinakain ng kanyang kapatid ay siya rin namang sinusubukan niyang kainin hanggang sa magustuhan na niya ang lahat ng luto ko.“That’s good baby, kain ka pa ng marami. Mommy cooked all of it just for you and Emma,” nakangiting sabi ko pa sa kanya.“No mommy, hindi baby. Emma is the baby, I am kuya already,” pagtutol naman nito sa aking sinabi na siyang ikinatawa ng mga kapatid ko na kasabay rin naming kumakain ngayon.“You should eat too Eliana. Lumalamig na ang p
Read more