YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA - AZALEANO “Anong—- anong laruan?!” Tanong ni Renia. “Simula sa araw na ito, lahat ng plano ninyo malalaman ko, hindi lang maririnig kundi makikita sa bawat gawin ninyo against sa akin, unti-unting papasok ang bagay na yan sa katawan mo..” paliwanag ni Flame. “Miss Flame..” tawag ko dito at agad akong nilapitan ng asawa ko. “Hindi lang ‘yun, sa oras na makita namin ang ginagawa ninyo at naka pasok na yan sa katawan mo, mas mabilis ang kilos niyan. At sa oras na pumunta sa puso mo ‘yan unti unti kang papatayin ng bagay na yan..” putol ni Miss Flame. Napa singhap ako ng hangin ganun din si Killian at Renia. Binaba naman ni Damon ang baril nito at tinago. “Worst? Sasabog ka sa oras na nagkamali ka, bawat galit at tibok ng puso mo mararamdaman mo ang pag sikip ng puso mo at hirap sa paghinga.” Lumapit si Miss Flame dito at nag salita muli. “Iwasan mo ang pag iyak, galit at kabahan kapag nasa loob mo na ang bagay na ‘yan dahil kukunin niyan ang buhay mo.
Last Updated : 2026-03-26 Read more