Tahimik ang buong wine cellar, parang humaba nang sobra ang isang segundo. Pakiramdam ko, ang confession ko ay nakabitin sa hangin na parang usok na hindi matanggal. Hinintay ko ang reaksyon ni Gerardo, galit, lungkot, o yung pakiramdam ng betrayal. Pero ang nangyari, hindi ko in-expect.Tumawa siya.Hindi yung pormal na tawa. Hindi rin pilit. Kundi yung tunay na tawa , malalim, ramdam mo na galing sa sikmura. Bumaling pa ang balikat niya kakatawa, at may sandaling naisip ko, baka inaatake na siya o ano.“S-Sir Gerardo?” tanong ko, nag-aalalang totoo. Napalitan ng worry ang pag-aalala ko sa sarili.Itinaas niya ang kamay niya, parang sinasabing wait lang, habang sinusubukan niyang pigilan ang tawa niya. Nang makabawi siya ng hininga, pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata, saka ako tinignan na parang natutuwa at naaawa.“Aba, hija, 83 years old ako, hindi eight,” sagot niya, nakangiti pa. “Do you really think I don’t know?”Parang may sumabog na tahimik sa utak ko.“You… knew
Read more