Nakatingin ako kay Benjamin Avelino na nakatayo ilang hakbang lang mula sa akin, halatang litaw ang tikas niya sa gitna ng mga bisita. May hawak siyang dalawang baso ng champagne at iniabot niya ang isa sa akin, may ngiti sa labi pero hindi umaabot sa mata.“Ang isang babae na kagaya mo, hindi dapat mag-isa sa ganitong klase ng party,” sabi niya, malambot ang boses pero may tono na nagbigay ng kakaibang kilabot sa likod ko.“Salamat, pero mas gusto ko ng tubig ngayong gabi,” sagot ko nang magalang, itinaas ang baso kong halos wala nang laman.“Hindi ka umiinom?” Dumaan ang tingin niya sa katawan ko, tumigil nang matagal sa ilang parte bago bumalik sa mukha ko. “Interesting.”Para bang sa simpleng salitang iyon, pakiramdam ko para akong nakahubad.“Wala lang ako sa mood,” sagot ko, pinilit gawing matatag ang boses ko kahit ramdam ko na ang hindi komportableng hangin sa paligid.“Damian is always lucky,” dagdag ni Ben, hindi pinansin ang sagot ko at lumapit pa ng isang hakbang. “Ev
Baca selengkapnya