Magkasabay kaming bumalik ni Helga sa party, diretso ang lakad namin, magka-link ang mga braso namin. Simpleng gesture lang yun, pero ramdam ko yung support niya sa bawat hakbang ko. Parang doon ko hinuhugot yung lakas ko.“Okay ka lang ba talaga?” pabulong na tanong ni Helga, bahagyang pinisil ang braso ko.“Oo, I’m okay,” sagot ko, pilit na ngumiti.Sakto namang lumitaw si Erik Delaney mula sa maliit na grupo malapit sa main staircase. Lumakad siya papunta sa amin, dala yung natural niyang elegance. May konting concern sa mukha niya, parang talagang naapektuhan siya sa nakita niya kanina sa terrace. Hindi siya mukhang tsismoso lang, iba yung dating, may genuine na concern.“Via,” sabi niya nang makalapit, kalmado at magalang ang boses. “Can I talk to you for a moment? In private, if that’s okay.”Agad na naintindihan ni Helga ang sitwasyon.“I’ll go find Damian,” sabi niya, sabay pisil ulit sa braso ko. “See you in a bit, okay?”“Sure,” mahina kong sagot habang pinapanood ko s
Read more