Pagdating ko sa café, nandoon na si Dexter sa parehong mesa kung saan kami nagkita noon. Halatang nag-ayos siya nang sobra sa normal. Ang buhok plantsado, naka-blue na long sleeves, at suot ang pabango na ginagamit niya dati kapag gusto niya akong i-impress. Malinaw na may ibang dahilan kung bakit siya nandoon.Tumayo siya agad pagkarating ko, at sinubukan akong halikan sa pisngi pero umiwas ako.“Dexter.”“Helga,” ngumiti siya, pero medyo natigil nang hindi ko tinanggap ang beso. Umupo ako kaagad, diretso, walang seremonya.“You look beautiful,” sabi niya, isang ngiti na may halong pangungulila at pag-asa. “That dress really looks good on you.”“Thanks,” sagot ko na walang emosyon, sabay tagilid ng bag sa mesa namin, parang barrier.“I'm really glad you called,” tuloy niya habang bahagyang yumuyuko papunta sakin. “I’ve been thinking about our last talk. About everything. About us.”“Dexter,” putol ko agad, matigas ang boses ko. “Let's be honest here.”Napakurap siya, halatang
Read more