Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, ina-adjust ang paningin sa malamlam pero nakakagaan na ilaw ng kwarto ng ospital. Mabigat pa rin ang katawan ko, pagod, pero wala na yung matinding sakit. Nakaupo si Via sa upuang katabi ko, hawak ang tablet, at nandoon ang mukha ni Damian sa screen, halatang sobrang nag-aalala.“I'm boarding the jet now papunta sa Celebes,” sabi niya agad, ramdam ko ang panic at urgency kahit maliit lang ang screen. “Nasa runway na, I’ll be there in a few hours.”“Love, hindi na ailangan,” sagot ko, medyo paos pa ang boses ko pero pilit kong nagpapa-calm. “Okay na kami ng baby. Nakakatakot lang talaga kanina, pero tapos na.”Inilagay ko agad ang kamay ko sa tiyan ko at kahit pagod ako, sobrang gaan ng pakiramdam ko na ligtas ang baby.Bago pa makasagot si Damian, dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng doktor, nasa mid-age, suot ang puting coat at may dalang clipboard. Napahinto siya nung nakita niyang may tablet na nakatutok sa akin,
Read more