DAMIANAng pagbabalik sa dining area ay parang test ng sarili kong patience at kontrol. Ramdam ko bawat hakbang, bawat tingin, bawat segundo na kailangan kong magpanggap na normal. Si Helga ay nasa tabi ko, nakahawak sa kamay ko nang mahigpit, hindi sobra, hindi kulang, sakto para kumalma ang utak kong parang sumasabog sa loob ko.Pagpasok namin, sabay sabay na napunta ang mga tingin sa amin.“Nasa ayos lang ba ang lahat?” tanong ng mama ko, kita yung concern sa mukha niya kahit hindi siya palaging ganun.“Yes, everything’s fine,” sagot ko, sabay hila ng upuan para kay Helga, automatic gestures na parang muscle memory sa corporate dinners. “Helga just forgot to take her medicine for the headache.”Ang bilis lumabas ng kasinungalingan, sanay na. Marahil dahil taon ko na itong ginagawa sa board meetings, press conferences, investors dinner, maskara ng kalmado kahit nag-aalburuto na ang lahat sa loob.Si Lolo Gerardo nakaupo sa pinakaulo ng mesa, masaya, proud, parang wala kahit isa
Read more