Hindi inalis ni Damian ang tingin niya sa akin habang naglalakad ako sa red carpet, kasama si Papa sa tabi ko. Ang dami ng emosyon sa mukha niya, gulat, paghanga, at may isa pang bagay na mas malalim na hindi ko ma-gets. Pagdating ko sa altar, hinawakan ni Papa ang kamay ko nang huling beses bago niya ito ibinigay kay Damian.“Anak, ikaw ang pinakamagandang bride at pinaka-unique na nakita ko,” bulong ni Papa, at genuine ang ngiti niya.“Naisip ko lang… bagay sa theme ng Avelino wines,” sagot ko, pilit nagmukhang casual kahit ang bilis ng tibok ng puso ko.Napatawa si Damian ng mahina, isang tunog na ako lang ang nakarinig.“Always full of surprises, Helga Louisse Palma. That’s what I admire most about you. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, pero lagi kong alam na extraordinary iyon.”Nagsimula ang celebrant sa ceremony, kalmado ang boses na umalingawngaw sa paligid ng mga baging. Ang hapon, may golden na ilaw na parang nagbigay ng magic sa buong lugar. Nakatuon lang ang mga mata
Baca selengkapnya